MTRCB, Kinuwestiyon ng COA sa Umano’y Milyon-milyong Bayad sa Board Members Nito

NEWS

As a basic principle, additional benefits are not allowed for services rendered which are inherent to the functions for which one is already compensated for.

Ganito ang isa sa mga naging pahayag ng Commisssion on Audit, kaugnay ng anila’y labis na pagbabayad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa board members nito bilang dagdag nilang benepisyo, na hindi umano aprubado ng Office of the President.

Aabot raw sa P5.2 milyon ang nasabing kuwetiyonableng halaga, sa ulat ng ABS-CBN news.

Batay sa audit report ng COA noong 2017, 30 sa board members nito ang nakatanggap umano ng dagdag na allowances, sa ilalim ng “special fund on account of minutes of board meetings and board resolutions”.

Ayon sa COA, masusi umano nilang pinag-aralan ang mga kaugnay na dokumento para sa nasabing “request for special budget” ng ahensiya na hindi naman umano inaprubahan ng Pangulo, maging ng Department of Budget and Management.

Ayon pa umano sa mga dokumentong kanilang sinuri, makikitang nakatanggap ng P45,000 kada buwan ang board members nito, para sa transportation, representation at iba pang allowances, taliwas umano sa mababasa sa Section 2 ng Presidential Decree No.1986 kung saan nakasaad na hindi umano ito maaring lumampas sa P5000 kada buwan.

Kasama rin sa report ng COA ang umano’y paggastos ng MTRCB ng umano’y P772,500 para sa procurement ng bigas na ipinamahagi sa mga empleyado nito nang minsan sa tatlong buwan.

Ayon sa COA, hindi raw kasama sa proposed dsbursements ng ahensiya ang nabanggit na rice subsidy.

Granting of rice subsidy to employees without the appropriate legal basis is strongly discouraged, saad ng COA.

Source: ABS-CBN News

Facebook Comments

IF YOU LIKE THIS ARTICLES PLEASE SHARE

No Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

INSPIRATIONAL
Mommy Dionisia nakatanggap ng brand new van sa kanyang 69th Birthday mula kay Manny Pacquiao.

Nakatanggap si Mommy Dionisia ng isang brand new van mula sa kanyang anak na si Manny Pacquiao sa ika-69 kaarawan nito, Ayon sa ulat ng ABS CBN, inamin ni Mommy D na hiniling nito sa anak ang sasakyan ngunit hindi niya inaasahan ang pagbili nito Inihatid ang van sa tahanan ni Mommy …

NEWS
Umapela sa mga tao na Balansihin ang Senado sa 2019 Senatorial Elections!-BAM

Umaapela si Senador Bam Aquino sa mga botante na ‘balansihin’ umano ang senado sa paparating na senatorial elections sa 2019. Ayon sa senador, kailangan umanong patatagin ang independensiya ng senado sa pamamagitan ng paghahalal ng mga taong hindi takot kumontra sa administrasyon. “We must strengthen the independence of the Senate …

INSPIRATIONAL
Here’s What Mayor Datu Shameem Biruar Mastura After Seeing A PWD Crawling.

Recently, Mayor Datu Shameem Biruar Mastura went viral online after his heartwarming deed after he got out of a voting precinct in Sultan Kudarat. Without even bothering to think if the man who was crawling was just intoxicated, the kindhearted mayor approached him, handed him some money, and got engaged …